Part 3. U.S.-based blogger speaks up on alleged plagiarism of her blog by Senator Tito Sotto


Nakarating na sa U.S.-based blogger na si Sarah Pope ang mainit na usapin ngayon sa Pilipinas tungkol sa diumano’y pagkakakopya ni Senator Tito Sotto sa isang blog entry ni Sarah.

Ang sinasabing kinopya ng senador ay materyal na ginamit nito umano sa kanyang anti-RH Bill speech sa Senado noong Lunes, Agosto 13.

(CLICK HERE to read related article.)

Nagpahayag ng pagkadismaya si Sarah sa kanyang Facebook account, na naka-link sa kanyang blog na Sarah, The Healthy Home Economist.

Kasama ng isang link sa balita ng pangongopya ni Senator Sotto, sinabi ng American blogger: “A Senator in the Philippines plagiarized one of my blog posts to use in a speech. Can’t even believe this!!!”

 

Sa isa namang reply ni Sarah sa mga comment sa kanyang post, sinabi nito: “Are people that hard up for something original to say?”

Pinost ito ni Sarah kaninang madaling-araw, at ngayo’y mayroon na itong 370 “Likes” at 245 comments. Ang mga nagkomento sa post ay di lamang mga Amerikano kundi pati ilang Pinoy Facebook users.

Hinimok din si Sarah ng ilang Facebook friends niya na magsampa ng kaso laban kay Senator Sotto.

Pero hindi ito sinang-ayunan ng blogger: “I’m not going to sue anyone over this. It just feels very weird to be in the middle of the debate on a bill in the Philippines over women’s Reproductive Rights.”

Karamihan naman ng mga Pinoy na nagkomento sa Facebook post ni Sarah ay humingi rito ng paumanhin sa ginawa ng senador.

Bagamat malinaw na hindi natuwa si Sarah sa pangongopya ng kanyang blog entry, siniguro naman niyang wala siyang galit.

Aniya, “I’m not mad at all. More amused than anything with his sobbing during the speech and all. I do feel bad for his loss of

Read more.....

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *