Part 2. Ryan Agoncillo on wife Judy Ann Santos's sexy figure: “She's still the same, mapamalaki o mapamaliit, siya pa rin ang babaeng pinakasalan ko at asawang minahal ko.”


Ang pamilya nina Ryan Agoncillo at Judy Ann Santos ang isa sa mga itinuturing na ideal family dahil larawan sila ng isang masayang pamilya.

 

Pakiramdam nga ni Ryan ay kumpleto na ang buhay niya dahil sa asawa niyang si Juday at sa mga anak nilang sina Yohan at Lucho.

 

“Well, that’s a great compliment,” sambit ni Ryan sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal).

 

“Kami naman ni Juday, we’re trying hard talaga to give the best to our family. Our family naman is getting better.

 

“Si Juday, medyo nami-miss ang pagtatrabaho kaya bumabalik siya sa pagtatrabaho ngayon.

 

“Okay lang din kasi si Yohan pumapasok na. And on the days na si Lucho ay pumapasok sa kanyang pre-school, si Juday ang nagdadala sa kanya.

 

“But on other days, nagtatrabaho kaming pareho… so smooth-sailing naman ang lahat ng bagay sa family namin.”

 

Wala rin daw problema sa relasyon ng dalawa nilang anak.

 

“Yohan understands that Lucho is the new baby. So, wala nang masyadong selos-selos.

 

“Then si Lucho, he’s the life of the party for us.

 

“Sa edad niyang 17 months old, ibang joy yung naiibigay niya sa amin,” nakangiting sabi ni Ryan.

 

BONDING MOMENT. Ano naman ang usual family bonding moment nila?

 

“Well, wala masyadong routine dahil iba-iba yung schedules.

 

“But nandun kami lagi sa Camp Yohan na aming ginawang playground para sa mga bata doon din sa bakuran namin. Every free time we have, we are always there.

 

“Yung bakanteng lote kasi tinayuan namin ng tent, nilagyan namin ng trampoline, nandoon kami, yun ang aming playground.”

 

Read more.....

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *