Part 1. A sexier Judy Ann Santos on her vital statistics: "Hindi po ako nagme-measure ng alindog ko!"


“Hindi po ako nagme-measure ng alindog ko!”

 

Ito ang natatawang sabi ni Judy Ann Santos nang tanungin ang vital statistics niya sa presscon ng bagong endorsement niya, ang Kraft Eden Cheese, sa 55 Events Place kahapon, March 21.

 

Kapansin-pansin kasi sa lahat ang tila lalong pagiging sexy ni Juday ngayon dahil sa liit ng beywang niya sa suot na blue dress. 

 

Ayon sa aktres, ang fashion designer na si Paul Cabral lang daw siguro ang nakakaalam ng eksaktong measurement niya.

 

Pero sabi niya rin, “Ang alam ko, compared before, I’m smaller and leaner now.”

 

Sa panayam naman ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at ilang entertainment press kay Juday ay natanong ulit kung bakit tila mas lalo siyang sumeseksi.

 

Sabi niya, “Siguro naka-outfit lang ako, sanay kayo na maluwag ang damit ko.

 

“Nagkataon lang din siguro… kapag kasi nasa bahay lang ako, alam mo yun, paghabol-habol sa bagets kapag naglalaro kayong mag-iina, so nandoon na yung nae-exercise ka.

 

“Siguro lang, nasanay na rin ako sa small amount na kinakain ko. Kaya hindi ko rin napapansin na naglu-lose ako [ng weight]. 

 

“Pero happy naman ako ngayon.”

 

FROM HOT SIOPAO TO HOT MOMMA. “Hot momma” na nga raw ang dating ni Judy Ann dahil kahit may anak na ay mas sumeksi pa siya.

 

Natatawang sabi naman niya, “Tunay ba ‘yan? Nakaka-flatter!

 

“Kahit kailan naman, hindi ko naiisip na darating ako sa puntong tatawagin akong hot momma. 

 

“Dati, ang tawag sa akin noon, hot siopao!”

 

Uso ngayon na kahit mommies na ay nagpu-pose pa rin as cover girl sa men’s magazines. Kung sakaling may mag-offer sa kanya na mag-pose nang sexy, papayag ba si Juday?

 

Read more.....

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *