Nadine Samonte on Katrina Halili's pregnancy: “Hindi na siya problemado, hindi na siya stressed, feeling ko sobrang blessing iyon para sa kanya.”


Nakausap namin ang aktres na si Nadine Samonte kahapon, March 30, Biyernes sa taping ng Valiente, ang primetime series ng TV5.

 

Una naming itinanong ay kung ano ang naging damdamin ni Nadine sa paglipat ng time slot ng Valiente to give way to Nandito Ako na mini-serye ni David Archuleta?

 

“Hindi ko nga alam na lumipat ng time slot e,” natatawang sinabi ni Nadine. “Nalaman ko lang sa fans,” ang sabi niya sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal).

 

Hindi sila sinabihan?

 

“Ako hindi,” sabay-tawa ulit ni Nadine.

 

Si JC de Vera na male lead star ng Valiente, nalungkot; si Nadine?

 

“Nalungkot ako kasi hindi ko alam, nalaman ko sa fans tapos doon ko lang nalaman nung kinonfirm ko. Parang nakakalungkot lang na wala kaming alam.”

 

At ngayong tapos na ang Nandito Ako, ibinalik na ulit sa dating time slot na mas maaga ang Valiente.

 

“Hindi ko rin alam na ibinalik na,” ang natatawang reaksyon ni Nadine.

 

Samantala, masaya si Nadine na kasama sa teleserye si Tirso Cruz III.

 

Original cast member ng Valiente twenty years ago si Tirso kasama si Michael de Mesa na nasa 2012 remake din ng naturang serye.

 

“Happy, kasi nakatrabaho ko na si Tito Tirso sa Endless Love, tatay ko siya. So okay naman, masaya.”

 

Nang una silang nagkita ni Tirso sa taping…

 

“Wala naman, okay lang, bati-batian lang. Kasi hindi ko siya nakaka-eksena. Siya yung kumupkop kay JC.

 

“Kasi di ba si JC sa istorya, parang na-salvage siya tapos, siya yung tumulong, mayaman siya na may kinalaman siya sa pamilya ng Valiente at Braganza pala noon.”

 

Read more.....

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *