Mommy Eva Cariño holds “son” BB Gandanghari to his promise that he will never have sex change


Sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Robin Padilla noong Miyerkules, March 21, inamin nitong hindi sila okay ng kanyang kuyang si Rustom Padilla—o mas kilala ngayon bilang BB Gandanghari.

 

(CLICK HERE to read related story.)

 

Kamakailan kasi ay dumating sa bansa si BB mula sa halos isang taon na paninirahan nito sa New York.

 

Isa sa isyung sinasabing maaring hindi matanggap ni Robin ay ang balitang nagpa-sex change daw si BB.

 

Sa panayam naman ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa ina nina Robin at BB na si Eva Padilla Cariño noong araw ding yun, kinumpirma nitong totoong may hindi pagkakaunawaan ang dalawa niyang anak.

 

Pero sa kabila nito ay naniniwala si Mommy Eva na nagmamahalan ang kanyang mga anak.

 

Sabi ni Mommy Eva, “Hindi, ganito yun. Nung isang araw, kausap ko si Robin, sabi ko, ‘Robin, sabi ni BB, parang feeling niya hindi mo siya tanggap.’

 

“Sabi niya, ‘As kapatid, tangap na tanggap ko siya. Pero yung paniniwala namin, magkaiba.’ 

 

“Yung religion nga kasi [ni Robin] sa Muslim, hindi puwede ‘yan. Yun naman ang explanation ni Robin sa akin.

 

“Wala naman akong magagawa kasi sa relihiyon ko, ganun din ako.  Mayroong mga hindi dapat gawin.

 

“Sinabi kasi ni BB na nalulungkot siya dahil pakiramdam niya na hindi okay kay Robin.

 

“Sabi niya sa akin, ‘Mama, hindi naman ako tanggap ni Robin. Alam ko Mama, feeling ko, hindi ako tanggap.’

 

“Sabi ko, hayaan niya muna. Pabayaan niya muna. Ipinaliwang ko na dahil sa religion nga.”

 

THE OTHER PADILLA SIBLINGS. Hindi rin itinago ni Mommy Eva na maging ang iba niyang mga anak ay gaya rin ng nararamdaman ni Binoe (palayaw ni Robin) para kay BB.

 

“Mayroong okay, mayroong hindi rin. 

 

Read more.....

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *