Manny Pacquiao may lose endorsement deals due to trouble with BIR


Sa tuwing may laban sa loob ng ring, matapang itong hinaharap ni Pinoy boxing champ Manny Pacquiao.

 

Ganito rin kaya ang kanyang pagharap sa kasong inihain laban sa kanya ng Bureau of Internal Revenue (BIR)?

 

Matatandaan na kamakailan ay lumabas ang balitang nagsampa ng contempt charges si BIR Region 12 Director Rozil Lozares laban sa Pambansang Kamao dahil sa hindi niya umano naipakita ang mga tax records na hinihingi ng kanilang kagawaran.

 

(CLICK HERE to read related article.) 

 

Ang kasong ito ay tila ikinababahala ng boksingero na nanunungkulan din bilang congressman ng Sarangani Province.

 

Ayon sa ulat ng GMA News, na nailathala sa website nito kahapon, Marso 26, maaari raw maapektuhan ang mga international product endorsements ng tanyag na boksingero.

 

Sabi ni Manny, sa isang press briefing na ginawa sa Makati kahapon, “Sa States, ang kinukuhang endorsers, iyong mga walang issue. Maselan sila pumili ng endorsers.

 

“Ang lumalabas kasi sa Amerika, tax evader ako. Napakasama ng image na lumalabas sa Amerika.”

 

Nilinaw rin ni Manny na hindi tax evasion ang kasong isinampa laban sa kanya. Hindi rin daw siya nagkulang sa gobyerno pagdating sa kanyang mga tax.

 

Sa ngayon, kilalang endorser si Manny ng mga international brands tulad ng Nike, Hewlett-Packard, at Hennessey Liquor.

 

Halos kapareho ng pahayag ni Manny ang sinabi ng isa sa mga counsel niya tungkol sa magiging epekto ng kaso sa pagiging international endorser niya.

 

Ayon kay Franklin Gacal, milyong dolyar ang mawawala kay Pacquiao. 

 

“What is certain right now is that mawawalan ng endorsements siManny until this matter against him is settled,” sabi ni Gacal.

 

Samantala, maaari naman daw mapilitan ang kampo ni Manny na sampahan ng kaso ang BIR officials dahil sa “undue injury” na idudulot ng contempt charges na inihain nila laban sa kanilang kliyente.

 

Ayon sa isa pang counsel ni Pacquiao,

Read more.....

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *