Hindi man aminin nang tuwiran ni Louise delos Reyes, isa sa GMA Artist Center tween star, ay obvious na obvious na may relasyon na sila ni Enzo Pineda, ayon na rin sa mga binitawan niyang mga salita.
Mas maganda raw kung si Enzo ang aamin sa kung ano ang tunay nilang relasyon, pakiusap ni Louise sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) noong solo pocket interview na ginanap sa 17th Floor ng GMA Network Center.
Ngayon daw ay mas focused si Louise sa kanyang career dahil bukod sa kanyang regular show