Jake Cuenca denies that his recent tweets refer to ex-girlfriend Melissa Ricks


Marami ang nakapansin na emosyonal ang mga pino-post na tweets ni Jake Cuenca. 

 

Walang nakakaalam kung sino ang pinatutungkulan pero kung ang pagabasehan ay ang tema ng mga mensahe, may matinding aspeto ng buhay ang pinagdaraanan ang aktor ngayon.

 

May sinabing “karma” si Jake na alam na raw niya ngayon.

 

Inaakala ng iba na may kinalaman ito kay Lovi Poe na minsang na-link kay Jake bago pa man nakalaya si Ronald Singson at nababalitang nagkabalikan na ang dalawa.

 

Sa presscon cum press preview ng Kung Ako’y Iiwan mo nuong  Thursday, March 29, sa 9501 Restaurant, ELJ Building sa ABS-CBN, ipinaliwanag sa amin ni Jake kung ano talaga ang tunay na saloobin niya sa mga na-post niyang tweets kamakailan.

 

TWEETS. “Sometimes nagiging release ng emotions ang Twitter pero that’s nothing serious.

 

“Sa akin naman kasi alam mo yun? Pag stressed-out ka, kailangan mong mag-vent. 

 

“Although natutunan ko na parang, I don’t wanna do that anymore, ang daming nagre-react, so parang ayoko na.

   

“Siyempre sa schedule ng artista and I work almost every day—I work on several projects, pag-uwi mo sa bahay medyo stressed-out ka na.

 

“Tao lang naman ako, puwede naman akong ma-stress, ‘di ba?”

 

EX-GIRLFRIEND? Agad naming tinanong kung may kinalaman ba ito sa kanyang love life kung saan naituturo na si Lovi Poe daw ang rason ng page-emote ni Jake sa Twitter.

   

“No, it’s my family.  Sa akin naman I’m always very open with my personal life.

 

“I’d rather not keep anything secret kasi siyempre ‘pag magtatago ka din naman mahirap…

 

“If there’s something up with my love life, you guys would be the first to know—maniwala kayo sa akin! 

   

“For me, like what I said, my sked is really booked now.

 

“‘Di ko madalas nakikita ang pamilya ko so you know sometimes I wanna sleep in my house, or sa

Read more.....

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *