Iza Calzado not yet "completely immersed" in ABS-CBN


Naimbitahan ang PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa set ng pelikulang Mga Mumunting Lihim, ang Cinemalaya entry ni Direk Jose Javier Reyes para sa Directors’ Showcase ng nasabing film festival.

 

Sa Casa Francesco restaurant sa Timog Ave., Quezon City ang shooting ng pelikula noong nakaraang linggo.

 

Kabilang sa mga nadatnan namin sa location sina Judy Ann Santos, Janice de Belen, Agot Isidro, at Iza Calzado.

 

Kasama rin sa cast si Janice de Belen.

 

Ang pelikula ay tumatalakay sa kuwento ng apat na magkakaibigan na may mga “lihim” na hawak ni Judy Ann na sa huli ay mabubulgar isa-isa.

 

Kuwento pa ni Iza tungkol sa pelikula, “Ang character ko dito is very driven. Very ambitious. I will stop at nothing.

 

“Pero hindi ko naman intensiyon na masaktan ang mga tao. Hindi rin naman intention ng karakter ko na nanakit ng tao.

 

“Pero dahil sa talino ko minsan may nasasagasaan ako along the way.

 

“And yun nga ay yung isang sikretong mabubunyag.”

 

Ito raw ang kauna-unahang pelikula ni Iza para sa Cinemalaya.

 

“It’s my first time with Cinemalaya,” sambit ng aktres.

 

“Matagal ko nang gustong gumawa ng pelikula sa Cinemalaya.

 

“Nagkataon din na bukod sa maganda yung istorya, Direk Joey Reyes ‘yan, ang ganda nung cast.

 

“It’s something na hindi mo hahayaang makalampas sa ’yo yung opportunity.”


WORKING WITH KAPAMILYA STARS. Sunod na inusisa ng PEP kay Iza ang tungkol sa panibagong mundo na kinabibilangan niya ngayon—from being a Kapuso to Kapamilya.

 

Kumusta ang working environment niya sa ABS-CBN?

 

Aniya, “Okay naman. Pero hindi pa ako completely immersed kasi ang ASAP ko, twice a month.

 

Read more.....

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *