Is there a rift between Star Cinema and Viva Films?


Kagabi, Marso 19, isang feed ang nakarating sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) tungkol sa diumano’y tampuhang namamagitan sa Viva Films at Star Cinema—dalawa sa pinakamalalaking movie companies sa Pilipinas.

 

Ayon sa mapagkakatiwalaang source ng PEP, ang 50/50 na dapat sana’y hatian sa production cost ng pelikulang Moron 5 and the Crying Lady, ang ugat ng tampuhan ng dalawang movie companies.

 

Kuwento pa ng source, hindi raw maglalabas ng pera ang Star Cinema. Publicity and promotions lang daw ang kayang i-commit nito para sa nabanggit na pelikulang may April 7 na release date.

 

Tampok sa pelikula sina Marvin Agustin, Luis Manzano, Billy Crawford, Martin Escudero, DJ Durano, at John “Sweet” Lapus.

 

Hindi raw nagustuhan ng Viva big boss na si Vic del Rosario ang pahayag na ito ng ABS-CBN film arm.

 

Matatandaang naging magka-partner sa produksiyon ang Viva at Star sa dalawa sa pinakamalaking blockbuster movies nung nakaraang taon—ang No Other Woman at Praybeyt Benjamin.

 

Dagdag pa ng source, nagpahayag diumano ang direktor ng Moron 5 and the Crying Lady na si Wenn Deramas na hindi na raw ito magre-renew ng kontrata sa Star Cinema dahil sa ginawang pagtanggi ng huli na makipag-co-produce sa Viva Films para sa kanyang pelikula.   


VIVA FILMS STAR CINEMA. Agad namang nagpadala ang text messages ang PEP kagabi sa mga partidong sangkot sa balitang ito para makumpirma ang diumano’y hindi pagkakaunawaan nila.

 

Unang nagpadala ng sagot kagabi rin ang anak ni Boss Vic na si Veronique del Rosario-Corpuz, na siyang tumatayong Viva Films senior vice president at Viva Artist Agency general manager.

 

“Not that I know of,” ang maikling tugon ng Viva lady boss sa aming katanungan.

 

Ilang oras pa ang nakalipas, isang mapagkakatiwalaang source naman ang nagkumpirma na may tampuhan ngang

Read more.....

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *