Direk Wenn Deramas on Star Cinema's decision to back out from co-producing his movie with Viva Films: “Totoong sumama ang loob ko.”


Tila hindi raw yata tinatantanan ng problema at isyu si Direk Wenn Deramas sa Star Cinema.

 

Malabo na raw kasing i-co-produce ng Star Cinema ang pelikula niyang lalabas ngayong April. Ito ay ang Moron 5 and The Crying Lady na pinagbibidahan nina Luis Manzano, Marvin Agustin, Billy Crawford, Martin Escudero, DJ Durano, at John “Sweet” Lapus.

 

Dapat sana’y muling magsasanib-puwersa sa isang co-production venture ang Star Cinema at Viva Films para sa pelikulang ito, pero kumalas ang film arm ng ABS-CBN. Kaya ang Viva ngayon ang solong bumabalikat sa produksiyon ng pelikula.

 

(CLICK HERE to read related story.)

 

Sa presscon ng Moron 5 and The Crying Lady kagabi, March 22, na ginanap sa Royal Dining Seafood Restaurant, Tomas Morato, Quezon City, ipinaliwanag ng Viva Films executive na si Vincent del Rosario na hindi naging matagumpay ang pag-uusap nila ng Star Cinema.

 

Si Vincent ay anak ng Viva big boss na si Vic del Rosario.

 

Ayon kay Vincent, “I think ano, e, yung exercise na parang nag-evaluate ng isa’t isa yung project na naganap, pero hindi nagkaroon ng resolution. 

 

“Like in any other business, minsan parang one-side deals na, ‘Dapat ganito ang gawin.’ The other side deals, ‘Dapat ganito gawin.’

 

“Na hindi lang nagkasundo sa iba’t ibang viewpoints. 

 

“Pero patuloy naman… we’re co-producing with Star [Star Cinema],” na ang tinutukoy ni Vincent ay ang pelikula na pagsasamahan uli nina John Lloyd Cruz at Sarah Geronimo.

 

Dagdag pa niya, “Nakakapanghinayang kasi masaya sana if we work together again.

 

“Pero itong instance na ito, hindi nagkita sa gitna.”

 

Noong nakaraang taon, dalawa sa co-production deals ng Star Cinema at Viva Films ang naging pinakamalaking hits sa takilya—ang No Other Woman at Praybeyt Benjamin.

 

DIREK WENN SPEAKS UP. Sa panayam naman ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Direk Wenn matapos ang presscon

Read more.....

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *