Angelica Panganiban on Derek Ramsay's transfer to TV5: “Kung doon siya magiging happy, dun ko siya susuportahan, kami ng family niya.”


Ikinagulat ng marami ang naging desisyon ni Derek Ramsay na lumipat mula ABS-CBN papuntang TV5 pagkatapos ng limang taon. 

 

(CLICK HERE to read related story.)

 

Maging ang girlfriend niyang si Angelica Panganiban ay nabigla sa kanyang desisyon na lumipat.

 

Ito ang inamin ni Angelica nang makapanayma siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at Cinema One News sa pagbalik niya ng bansa noong Lunes, April 9, mula sa Vietnam para sa shooting ng pelikulang pinagtatambalan nila ni John Lloyd Cruz.

      

“Nagulat siyempre,” sabi ng aktres nang tanungin tungkol sa kanyang reaksiyon sa paglipat ni Derek sa TV5.

 

“Well, hindi naman puwedeng hindi niya nababanggit sa akin yun.

 

“Pero sa ganung aspeto kasi, as long as na hindi kailangan ang opinyon ko, hindi ko naman ibinibigay. Desisyon niya yun.

 

“Kung doon siya magiging happy, dun ko siya susuportahan, kami ng family niya. 

 

“Work yun, e.

 

“Kung may lagi naman siyang ginagawang desisyon, lagi naman niyang pinaninindigan yun and happy ako for him.

 

“Nandito ako para suportahan siya at hindi yun makakaapekto sa relationship namin.

 

“Nung nakapag-decide kasi siya, nasa Vietnam na ako, so nakakagulat.

 

“Pero ganun kami katiwala sa isa’t isa na kahit anong decision mo, okay lang.”

 

MARIPOSANG DAGAT. May mga lumabas na balita na isang teleserye raw ang sisimulang gawin ni Angelica, ang Mariposang Dagat. Kinumpirma naman ito ng aktres.

 

“Oo naman, excited ako!” bulalas ni Angelica.

 

“Two years na akong hindi gumagawa ng soap so nakaka-excite na nakakatakot dahil parang hindi ko alam kung ready na ba ako na mapagod nang ganun.

 

Read more.....

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *