Angel Locsin says rumored boyfriend Phil Younghusband has seen her hot scenes in Unofficially Yours


Hindi man maayos ang launching ng DVD ng Unofficially Yours kaninang hapon, March 30, sa SM The Block, nagpaunlak pa rin ng interview ang lead female star ng pelikula na si Angel Locsin.

 

Naroon ang aktres para sa autograph signing at picture-taking sa mga mauunang makabili ng DVD copy ng kanyang pelikula katambal si John Lloyd Cruz.

 

Maingay man at magulo ang atmosphere, naibalita pa rin ni Angel na malapit na silang magsimula ng bago niyang pelikula kasama si Bea Alonzo at iba pang Kapamilya stars.

 

“Magugulat kayo kung sino pa ang kasama,” sabi ng aktres na magiliw na hinarap ang PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at dalawa pang showbiz reporters ng ABS-CBN.

 

Masaya ring ibinalita ni Angel na napanood na ng napapabalitang kasintahan niya na si Phil Younghusband ang Unofficially Yours.

 

Matatandaang naging usap-usapan na baka hindi magustuhan ni Phil ang mga maiinit na eksena nina Angel at John Lloyd.

 

“You’re not allowed,” sabi pa nga raw ni Angel kay Phil noon.

 

Pero dalawang beses na pala napanood ng Azkals player ang pelikula.

 

“Oo. Nanood siya, pero hindi kami magkasama. Napanood niya, twice.

 

“Maganda daw, sabi niya.

 

“Sabi nga niya, tingin niya, mas better daw yung performance ko sa Unofficially Yours.

 

“Siyempre, sumisipsip. Sabi niya maganda daw!” natatawang kuwento ng PMPC Star Awards for Movies Best Actress.

 

Dagdag pa ng aktres, mas nagulat pa raw si Phil noon sa mga ikinuwento niyang gagawin nila ni John Lloyd sa Unofficially Yours.

 

Ine-expect daw tuloy ni Phil na mas grabe ang mapapanood nito sa pelikula.

 

“Siyempre mas tinodo ko na yung kuwento ko [noon]!” natatawang sabi uli ni Angel.

 

Read more.....

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *